Your Eyes

Chapter 19

Chapter 19: Trail of Blood

"Bakit hindi na lang tayo sumama kay Serena para makapasok tayo?"

"It's not a good idea. Kilala nila kung sino ang mga taong nagdadala ng mga armas. Mahirap na baka magtaka sila na sunod-sunod ang mga bagong tao na dumarating." Sagot ni Adam.

"You have a point. Teka, Si Rico? Wala pa ba? Kagabi pa wala yun." Tanong ko.

"Guys!!! Si Rico!!" Dinig kong sigaw ni Samantha.

Pumunta kami sa pwesto ni Samantha kung saan naka set-up ang mga tv na may footage ng cameras sa loob ng site.

"I'll go." I volunteered.

My phone rang and I answered it. It's one of the men that I was with last night. He told me that Mr. Suarez invited me on a masquerade charity ball. Charity ball? What a joke.

"Paulo, You should call backup immediately. We'll do as planned. Sam, Stay here and help Paulo with the cameras. Adam, You're coming with me, Wear a suit. I'll be back in a few." I ordered.

Punyemas, Manghuhuli lang ng salarin kailangan ko pa mag gown. San ba ako makakakuha ng gown? Okay, Kailangan ko mag rent.

Nag drive ako papunta sa isang couture shop para mag rent ng gown. Kailangan eye-catching at sosyal. Ang staff na yung pumuli at ang napili niya ay ang isang rose gold sequined mermaid gown. So ayun, Kapit na kapit sa akin yung gown na 'to at may pa-side slit pa. Bumili na lang ako ng metallic rose gold strap heels para ibagay sa suot ko. Pa ball ball pa kasi.

I went back to the hotel so that I could start fixing everything with me.

"Ako na lang mag-aayos ng buhok mo at mag m-makeup sayo." Sabi ni Samantha.

"Sam, What if hindi tayo magtagumpay? Pano kung hindi natin maligtas si Rico?"

"Kaya natin yan. Walang dapat maiwan. Sabay sabay tayong makakauwi. Oo nga pala, Yung usb na naglalaman ng files tungkol sa mga transaksyon nina Mr. Suarez ay nasa loob ng sasakyan niya. Kailangan niyo makuha yun."

Nanahimik na ako at sinimulan na rin niya maglagay ng kolorete sa mukha ko. Pagkatapos ay inayos na niya ang buhok ko. It was curled then she side-swept it. It covered my right ear so that I could wear my earpiece.

"Bakit ba ito yung pinili mo? Kapit na kapit na sayo tapos ipit na ipit na yung tiyan mo."

"Basta wag ka na mag-daldal dyan, tulungan mo na lang ako."

Meron din ba kayong kaibigan na ang hobby ay pagtatalak at pag-rereklamo? Sana naman hindi ako nag-iisa.

"Punyemas! Ang ganda mo inday! Hoy! Babae ka ngayon ah. Lakad babae, kilos babae, at tawang babae." Paalala niya.

"Thanks, Bestfriend."

"Nag-text na si Adam, Nasa baba na daw siya. Sige, Alis na. Si Paulo naka-alis na at kasama na daw ang iba pang kasamahan natin."

"Okay, Please update me."

I hid my gun and pocket knife on a holster placed on my left leg. It was 7 in the evening that time. I saw a tall man at the hotel door and he was waiting for me just like how he did when we had our first date.

He gave his left hand and helped me walk down the stairs then he opened the car door for me.

He is wearing a maroon velvet tuxedo with his slicked back hair.

"Ang pangit mo." Ngisi niya.

"Mas pangit ka mana ako sayo." Pagsusungit ko.

"Sungit mo ah, Buntis ka ba?"

"Hindi noh. Pano ko mabubu—"

"Sa tingin mo hindi ka mabubuntis? Don't you think na baka may dala ka na? Sana babae noh."

"Sira! Just drive, okay? We're here for work."

Pinuntahan namin ang lugar na tinext sa akin ng isa sa mga kasamahan ko nung isang gabi. May handaan nga dito at maraming mga tao ang naka suot ng magagarang damit.

"Wear your mask, okay? We have to be careful. Let's go."

Pumasok kami sa loob ng hotel at binigay ko ang pangalan ko sa isang babae dahil hindi makakapasok kapag wala ka sa listahan.

"Okay, Ms. Emma Linden, Please come in. But, There's no Adam Richardson invited on the list so he can't come in."

"Oh, Ms. Linden! You look great. I'm so glad you came. Shall we?" Dinig ko sa boses ni Mr. Suarez.

Kasama ko pumasok si Mr. Suarez sa loob ng event. Alam ko naman na makakapasok si Adam dahil hindi naman siya nakilala nung mga tao kanina sa labas.

"Excuse me, I'll just go to the powder room."

Nagpunta ako sa banyo sa loob ng venue na ito. Kinausap ko si Adam using my earpiece. Isang banyo lang ito at hindi by cubicle. Mabuti ito at may privacy.

"Nasaan ka na? Nandito ako sa loob ng banyo. Nakapasok ka ba?"

"Oo, Nandito ako sa table 14 kasama yung mga matatandang babae."

"M-Matatandang babae? Bakit?"

"Ginawa nila akong escort."

"HAHAHAHHAHAHAHHA!!! Call boy ka na ngayon?"

"Hindi noh!"

Lumabas na ako ng banyo pero sa pagmamadali ko maglakad ay may nabangga ako na naging dahilan para madulas ako.

"Sorry, Miss. I-I didn't mean to bump you."

Nasalo tuloy niya ako nang di oras. Tumayo agad ako at baka makita pa ako ng jowa ko. Pagtayo ko ay nagpakilala pa yung lalaki sa akin.

"Hi, I'm Timothy Layne. Are you also a guest here?"

"Y-Yes, I am. But, I should go now because my fiancé is here."

Bumalik na ako sa table kung saan kasama ko sina Mr. Suarez at iba pa niyang kasamahan. Wala ang mga guwardiya niya.

Habang nagkukwentuhan kami ay may dumating na isang babae na pamilyar na pamilyar ang pagmumukha. Si Blondina ay nandito pero bakit siya nandito?

Wala siyang suot na maskara kaya nakilala ko siya agad. Shet! Mahirap 'to dahil may nakakakilala sa amin.

Pahamak talaga kahit kailan yung ex neto ni Adam. Malapit ko na 'to gilitan sa leeg. Sarap gupit gupitin ng buhok neto sa sobrang haba.

"Hoy, Kupal! Yung ex mo nandito."

Kwento ko kay Adam gamit ang earpiece.

"Huh? Paano?"

"Edi malamang nakikipag-sosyalan dito yun, Subukan lang niya maging sagabal sa mga plano ko at mapapa-aga ang despedida niya."

"Serena, Babae ka ah. Paalala ko lang." Singit ni Samantha.

Lumapit si Tracy sa table namin at kilala niya si Mr. Suarez. Nakipag beso-beso pa nga. Ano ba talagang meron sa babae na 'to? Pukpukin?

Umupo siya sa kaliwang bahagi ni Mr. Suarez at ngayon ay pina-gigitnaan na namin siya.

Inimbitahan si Mr. Suarez na umakyat sa entablado at nagbigay siya ng mensahe para sa mga tao. Ang lakas ng gana niya umattend sa mga charity ball gayun naman na siya ang sumisira sa buhay ng mga kabataan.

"You look kinda familiar, Have we met before?" Tanong ni Tracy na ikinagulat ko,

"Sorry? I think we haven't met each other before. Why?"

"Oh Nothing, By the way, I am Tracy Galvez. You are?"

"Yeah, I am Emma Linden. Business Partner of Mr. Suarez. P.l.e.a.s.u.r.e to meet you."

Pagkatapos magbigay ng mensahe si Mr. Suarez ay nagkaroon ng sayawan sa gitna. Lahat ng tao ay nagkakasayahan pero si Mr. Suarez ay dumiretso sa isang koridor kaya sinundan ko ito at baka may makuha ako sa kanya.

Tahimik akong naglakad at hindi naman maingay ang sapatos ko dahil carpet ang dinaraanan ko.

Pumasok siya sa loob ng isang kwarto at malamang nandito ang mga importanteng gamit niya. May 2 nagbabantay sa labas ng pintuan niya kaya pasimple akong naglakad para lampasan sila.

"Nakita ko na yung kwarto ni Mr. Suarez. Aantayin ko lang makalabas 'to."

"Hello? Huy! Mr. Richardson?"

"S-Sorry, Yung mga matatanda kinukulit ako, ayaw ako tigilan sa pakikipagsayaw."

"Bahala ka. Papasok na ako ng kwarto ni Mr. Suarez. Room 2532"

Nang makalabas na sina Mr. Suarez sa kwarto kasama ang mga guwardiya niya ay sinubukan kong buksan ang pintuan.

Kailangan ko makuha ang code ng kwarto niya. Kailangan ko muna gamitin ang alindog ko. Game!

"Excuse Me, Sir, I forgot the keycard of my room. Can you help me open my room, Please?"

Inipit ko yung dibdib ko kahit wala akong ganun at thank you kasi umepekto yun. Well, S.e.xy naman talaga ako.

"Of course, Ma'am. I'll lead the way."

Tinuro ko sa kanya ang kwartong kunwari ay akin pero hindi naman.

Effective mga teh! Okay, Next ay kailangan kong hanapin ang flash drive na susi para makauwi na kami at para matapos na ito.

"Shit!" Gulat kong mahinang sinabi nang may tumapik sa braso ko.

"It's me."

"Wag ka kasi mang-gugulat! Nang-aano ka eh!"

"Nakita ko yung ginawa mo kanina dun sa lalaki sa concierge. Mag-uusap tayo mamaya."

Tumango ako at nagpatuloy sa paghahanap sa flash drive. Hinanap namin sa cabinet, drawer, bulsa, bag, at kung saan saan pa, Pero walang Flash Drive.

"San ba kasi tinago ng lalaking yun yung flash drive? Pahirap naman."

Reklamo ni Adam.

"Wag ka na mag reklamo dyan at maghanap ka nalang." Sungit ko.

"Ito ba ang hinahanap niyo?"

Napalingon kami sa isang taong nakatayo sa pintuan. Pahamak talaga yung babaeng ito sa akin. Siraulo! Sarap talaga pektusan.

"I'm sorry, Serena and Adam, but I guess you're not smart enough."

Tumakbo ito palabas at hinabol ko. Ngayon pa talagang naka takong ako? Humanda ito sa akin! Hmmp!

"Wag kang papahuli sa akin kung ayaw mo magmukhang bulldog!!"

Sigaw ko.

Nang maabutan ko ito ay hinatak ko ito sa kanyang napaka habang buhok na blonde. Napalakas ang hatak ko kaya nahilata siya nang di-oras sa sahig.

"Hindi mo makukuha 'to!"

Sigaw niya bago i-untog ang ulo niya sa aking mukha.

"Aray!! Buwisit ka halika dito."

Hinatak niya ang buhok ko kaya nainis ako. Ginamit ko sa kanya ang mga inaral ko sa Muay Thai Training ko. Bahagyang nagulat ito nang hindi ako makipag-sabunutan sa kanya.

"You thought this is going to be a cat fight? Hell No! This is a f.u.c.k.i.n.g street fight, Girl." I exclaimed.

Lumaban ito sa akin at bahagyang natamaan ako sa mukha kaya medyo dumugo ang ilong ko. Pero hindi na ito naka pang-laban pa dahil nakatulog na siya sa isang malakas na suntok ko sa kanya.

Kinuha ko ang usb na nakita ko sa loob ng clutch na pagmamay-ari niya. Maraming tao sa paligid at nagulantang ako nung lumabas ang mga tauhan ni Suarez at itinuro pa ako. Dali-dali akong tumayo at tumakbo palabas.

Akala ko mabubunggo ako dahil may sasakyan na tumigil bigla sa harapan ko pero si Adam pala yun. Pumasok agad ako sa loob ng sasakyan at baka maabutan pa kami.

"Yes!! I got it!!!" Sigaw ko pagkaupo ko.

"Check it."

I connected the flash drive on my laptop to see if this is what we're looking for.

"Oh shit. No." Mahina kong sinabi.

"What?"

"It's fa—"

Napasigaw ako nang may malakas na putok ng baril na tumama sa side mirror ng sasakyan. Nahabol kami ng mga kasamahan ni Suarez.

Mas mabilis na nagmaneho si Adam para makalayo agad kami. Kaya kinuha ko na ang nakita kong sapatos ko sa likuran ng sasakyan at kinuha ito para magpalit. Suot ko na ngayon ang puti kong vans kasama na ang aking eleganteng gown. Style yan enebe!

"Love, Do you mind if you raise the roof for me?" I asked.

"P.l.e.a.s.u.r.e is mine, Love."

Binuksan niya ang bubong ng sasakyan na sinasakyan namin. Kinuha ko ang baril na nakatago sa hita ko, tumayo ako para makita ang mga kalaban sa likod namin.

Pinatamaan ko ito gamit ang bala mula sa aking baril. 

Masyado silang marami kaya mas binaril ko ang gulong ng kanilang behikulo at ito'y sumabog na naging dahilan para sila'y tumigil sa gitna ng daan. Bumalik na ako sa kinauupuan ko at huminga.

"Sam? Please report."

"Serena, Kailangan niyo na pumunta sa bodega. Nandoon na silang lahat."

Nagmadali kaming magpunta sa bodega at naabutan namin ang iba naming kasamahan mula sa Pilipinas.

"Ma'am, Sir." Sumalido sila nang makita nila kami ni Adam.

Sumaludo kami pabalik at sumama papasok sa loob ng bodega. Sampu kami ngayon at nakita ko si Paulo na nasa loob na ng isang kwarto. Hindi pa namin nakita si Rico kaya pinasok pa namin ang ibang kwarto sa bodegang ito.

"Rico!!!" Sigaw ko nang makita siyang nakaupo at nakatali habang tumutulo ang dugo mula sa kanyang noo.

Tinanggal ko sa pagkaka-buhol ang lubid na nakatali sa kanyang kamay.

"Saan ka nila pinasok kanina?" Tanong ko.

"Sa may pinto sa likod. Dun tayo."

Inalalayan siya ni Adam at ako ang tumingin sa dinadaanan namin. Hawak ko ang baril ko kasama na ang flashlight dahil madilim na.

May naaninag akong dalawang taong nakatayo sa dapat na daang tatahakin namin.

"Not so fast, Ms. Serenity Williams."

"Go to hell! Stop playing games with us!! You are all gonna rot in jail. You little piece of shit!" Galit kong sinigaw.

"Hi, Baby. Kapag kasi hindi ako ang pinipili ng mga tao ay hindi ko iyon basta-basta pinapalampas. I loved you but you chose that bitch beside." Tracy said.

"Walang lalaking magmamahal sayo dahil sa ugali at ka-cheapan mo! You're too replaceable, BABY GIRL." I replied.

"Ano? Gusto mo pa ba ng upak? Marami pa akong lakas." Dagdag ko pa.

Mr. Suarez pointed a gun on the three of us. Without knowing who will he shoot. I don't know if it's me whose gonna be shot. Pinaputukan niya kami kaya nagtago kami sa loob ng isang kwarto.

"Serena, Kunin mo na si Rico. When I say run, you shou—"

"No, Adam. Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan."

"Kailangan ni Rico ng tulong. Please just for this time, Ako naman ang masusunod."

"No, Ayoko. Please, Adam." I cried.

"Serenity Williams, You have to go. We promised that we'll bring Rico back."

"I will come back for you. Babalik ako, Pangako."

Inalalayan ko si Rico at tumakbo kami palayo. Mga ilang minuto na kaming naglalakad dahil nahihirapan si Rico tumakbo dahil napuruhan siya. Narinig ko na ang tunog ng ambulansya at mga otoridad kaya alam ko na malapit na kami.

"Thank You, Serena."

"Sige na, Nurse please take him to the hospital. He lost too much blood when I saw him."

I ran back to the place where I left Adam. Pero iba ang naabutan ko. It was a trail of blood. I followed it until I reached the end of it. It was Adam's blood.

No, Hindi pwedeng mangyari ito. He can't leave me this way.

Tap the screen to use advanced tools Tip: You can use left and right keyboard keys to browse between chapters.

You'll Also Like