Your Eyes

Chapter 2 - 1

First Day

Nagising ako sa lakas ng alarm clock ko. Kaya dali-dali na akong bumangon para mag-ayos ng sarili ko pati na rin ang mga kakailanganin ko.

Matapos kong maligo ay nag blower agad ako ng buhok, nagbihis muna ng pambahay, at lumabas na ng kwarto ko. Sakto paglabas ko ay gising na rin ang lahat at nakahain na ng almusal sa dining room namin.

"Good Morning, Nak! Kain na para hindi ka malate sa trabaho" Bungad sa akin ni Mommy Katherine. Binigyan ko silang lahat ng magandang ngiti at binati ng "Magandang Umaga!".

Pag-upo ko ay agad kong nakita ang masasarap na pagkain para sa almusal, at nandon ang paborito kong Beef Tapa. Uminom ako ng kapeng mainit at sinamahan ko pa ito ng pandesal. "

"How's work, baby?" My Daddy Robert asked. "It's okay daddy, Medyo mas busy lang talaga ngayon because I was promoted" I answered. They were very surprised nung narinig nila na promoted ako. "Wow! Congrats Ate! Sana ma-treat mo kami ng pizza" My little brother Andrew said.

I said thank you after they congratulated me and I promised them na next weekend, We would have a family dinner. I saw in their eyes that they are very happy for me and thrilled for the family dinner I promised them.

"Mom, Dad, and Andrew, Mag aayos na po muna ako para sa work today" Pagpapaalam ko. "Okay Anak, Go ahead, Para maaga ka pa makarating sa work mo" Mom Replied.

Matapos kong kumain ay nag toothbrush na ako at pinagpatuloy na ang pag aayos ko ng buhok at nagbihis for work. Nakasuot ako ng Blue Long Sleeves, White Pencil Skirt, and My favorite stilettos. Naglagay lang ako ng kaunting makeup. I only use powder foundation, blush-on, and nude lipstick.

Tumingin ako sa salamin and nung makita ko na presentable na ako, Kinuha ko na ang handbag ko and my attachment case for work. Lumabas na rin ako ng room ko and kinuha ko na ang susi ng car ko and ng condo unit ko. Every weekdays tumutuloy ako sa condo unit ko na graduation gift nila Mommy and Daddy sa akin. Yung car ko naman, I bought it noong nakapag-ipon ako.

"Mom, Dad, Aalis na po ako" Pagpapaalam ko. "Sige, Anak. Mag iingat ka ah.. Don't let the bullets touch you, Okay?" Dad Said. "Yes Dad, Your love for me is my bulletproof vest. Mahal ko kayo nila Mommy and Andrew" I replied.

Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Andrew, "Ate, Please take care of yourself ah, And I'll just remind you of my allowance this week" Andrew smiled. "Wow! Kaya pala ang sweet mo sakin today. Kunin mo nalang kay Mommy ah and Be a good boy while I'm gone" I reminded. Bago ako umalis ay binigyan ko silang lahat ng halik sa pisngi.

Habang nagmamaneho ako ay binuksan ko ang stereo ng sasakyan ko, Nilagay ko ito sa radio fm and Saktong ang kanta roon ay Rainbow by South Border. Ahhh! What a great way to start my Monday.

Pagkarating ko sa building ng work ko ay pinarada ko muna ang sasakyan ko at pagkababa ko ay nakasalubong ko si Samantha na workmate ko. "Good Morning, Ms. Serenity Williams! Sabay na tayo pumasok" Bungad niya sa akin. "Sure Sam! You look good" I smiled at her while saying that.

Pag-akyat namin ay naghiwalay na rin kami kasi magkaiba din ang workplace namin "Kita nalang tayo later ah.. See you!" Pagpapaalam ko. "Okay, Sabay na rin tayo mag dinner pag uwi" She replied.

Pagdating ko sa workplace ko, Nilapag ko muna ang mga gamit ko sa table ko at umupo. Huminga muna ako at nagsimula ng magtrabaho. May tumawag ng pangalan ko, "Ms. Williams, Pinapatawag ka ni Boss" Tawag ng secretary sakin. "Okay Ma'am, I'll be there" Sagot ko.

Pagkapasok ko sa office ni Mr. Christopher Singleton ay binati ko agad siya ng isang Magandang Umaga. Mas matanda ito sa akin, Parang kasing tanda lang niya si Daddy.

"Good Morning, Ms. Williams. I called you here because you have an assignment, and Now that you have been promoted, You will be sent to another country for your next assignment" Mr. Singleton said.

Nagulat ako dahil hindi ko inasahan na ipapadala nila ako sa ibang bansa, Naisip ko na malalayo ako kila Mommy, Daddy, at kapatid ko kahit na saglit lang iyon.

"Okay Sir, I'll make sure that It'll be a success" I replied.

"Ms. Williams, You will have a partner in this mission" Dagdag niya. Nagulantang ako nung narinig ko iyon, Hindi ko inasahan na magkakaron ako ng kasama sa misyon na ito, Hindi lang kasi ako sanay na may kasama sa mga assignments ko. Bigla itong tumawag sa kanyang sekretarya "Jean, Please let him in" Utos nito.

Paglingon ko sa aking likod ay may lalaking pumasok sa pintuan ng opisina ng aking boss, Matikas ito kung tumindig at mukhang sanay na rin ito sa trabaho namin. "Ms. Williams, Please meet Mr. Adam Richardson, He is one of the best in our field, just like you" Pagpapakilala ni Mr. Singleton.

Umakyat ang dugo ko papunta sa ulo ko noong nakita ko ang pag ngiti at pag-kindat niya sa akin. Napaka presko ng dating niya sa akin. "He will be your partner in your mission, You two will be going to Mexico in tomorrow afternoon" Our boss said.

Nagulat ako noong marinig ko iyon, "Sir, Can't it wait until next week? I have plans po kasi for this coming saturday" I explained. "How Unprofessional" He whispered. Mas lalo akong nainis noong narinig ko ang sinabi ni Mr. Richardson.

Akala ba niya bingi ako? O Gusto lang talaga niya akong inisin? Kakakilala ko palang sakanya, Hindi ko na gusto ang ugali niya. "Sorry, Ms. Williams, but this mission is on a rush, You have to go tomorrow" Pagpapaliwanag niya. "Nakahanda na rin ang plane ticket niyo, at mga kakailanganin niyo para sa mission na ito" Dagdag pa niya.

Ngumiti nalang ako dahil kahit anong pilit ko ay hindi rin naman mababago ang desisyon ng boss ko. Sayang lang dahil nakapangako ako kila Mommy at Daddy ng dinner this weekend. "Sir, How long do we have to stay in Mexico?" Tanong ko. "You will receive a file on your email later, Lahat ng details about this assignment ay naroon na" Sagot ni Boss.

"Alright, So We're set, I can't wait to work with this lady beside me" Mr. Richardson said. I gave him a smirk and Nagpaalam na ako na bumalik sa workplace ko. Sumunod naman sa akin itong si Mr. Adam Richardson.

Nagpakilala ito sa akin "Hello Ms. Serenity Williams, It was nice meeting you today, I am Adam Richardson". Sinagot naman siya na may taas ng kilay ko "Yes, I know and I heard it a while ago". Bumalik na rin ako sa table ko and kinuha ang mga files ko doon at niligpit. Natanggap ko na rin ang email about our assignment. 3 days and 2 nights din pala ang mission na iyon.

Medyo busy kami ngayong araw at mas dumami pa ang trabaho ko noong dumating itong si Mr. Richardson dahil kinailangan namin ihanda ang mga papeles na kailangan para sa mission na iyon. Kailangan namin hanapin ang isang lalaking para imbestigahan ito dahil tinangka nito patayin ang isang kilalang businessman sa Pilipinas.

Sa sobrang busy ko ay hindi ko napansin ang oras na 5:00 pm na pala, "Serena, Tara na, Dinner muna tayo bago umuwi" Bati ni Samantha. "Okay Sige, Wait lang kukunin ko muna ang gamit ko" Sagot ko. Umalis na kami ng building at sumabay siya sa akin, Tinuro niya ang daan papunta sa restaurant na pagkakainan namin. Tahimik kami sa sasakyan nang biglang nagtanong si Sam "Serena, Balita ko aalis ka bukas ah" Pagtataka nito. "Oo, May mission kami nung Adam sa Mexico, Urgent daw eh kaya bukas na agad ang alis namin" Tamad kong sagot. Sinabihan ko si Samantha na saglit lang kami kakain doon para makauwi agad ako dahil mag iimpake pa ako.

Pagkarating namin sa  Italian restaurant, Isang napakaliwanag na ambiance ang tumambad sa aking mata, Napakasimple lang ng restaurant dahil para ka talagang nasa bahay dahil sa itsura nito.

Pagkaupo namin ay inasikaso agad kami ng waiter, "Ma'am, May I take your order?" Tanong nito. Nag order ako ng Shrimp Aglio Olio, Garlic Toast, and Isang glass ng white wine. "Ikaw Sam, What do you want" I politely asked. She ordered Pasta Lasagna, Garlic Toast, and One glass of Red Wine.

While waiting ay nagkwentuhan muna kami about our day, "Serena, Kamusta naman yung Adam?" Sam asked. "Okay naman, Pero medyo presko yung lalaki na yon, and Mukhang mayabang" I replied. She laughed quietly and "Nako! Nakahanap ka na ng katapat mo sa kasungitan HAHAHA" Sam said. Natawa nalang din ako sa sinabi niya.

Dumating na rin yung inorder namin and kumain na kami. The food, the service, and the ambiance in this restaurant is really great.

"Serena, Yung partner mo nandito" Sam said. I glanced at the table beside us, and nandoon nga si Mr. Adam Richardson. Nawindang ako noong tinawag ito ni Samantha. Shit! Bakit niya kailangan isama sa table namin iyon? Hindi ba pwedeng bukas nalang kami magsama ng lalaking ito?

"Hello, Ladies, Thank you for inviting me" Bungad nito. "Hello, Ms. Williams, Kahit pala gabi na hindi parin nahuhulas ang ganda mo" Dagdag pa nito na ikanagulat ko. I gave him a smile with matching pagtaas ng kaliwang kilay ko.

Nang mataas akong kumain ay nagpaalam na rin ako kay Samantha dahil may flight pa ako bukas at kailangan ko pa mag-impake. Tumango ito at nagsabing tatawag siya sa akin bukas. Ngumiti ako at lumabas na.

Laking gulat ko noong pasakay na ako ng sasakyan ay hinatak ako ng isang lalaki at pagtingin ko si Mr. Adam Richardson pala iyon. "Ms. Williams, I am not joking when I said that you looked beautiful" He smiled. "Alam ko yon Mr. Richardson, Alam ko na maganda ako, Kaya please uuwi na ako dahil may flight pa tayo bukas " I replied

Pagsakay ko ng sasakyan ay binuksan ko ang stereo at tumugtog ang kantang Swinging Party by Kindness. Nakakarelieve ng stress today. Sinabayan ko rin ang kanta na iyon at biglang tumunong ang cellphone ko. "Hello? Who is this?" I answered. "Miss Williams, I can't wait to work with you tomorrow" Sagot nito. Binaba ko agad ang tawag na iyon.

Hayy! It'll be my First Day tomorrow outside this country with a man that I just met today.

Tap the screen to use advanced tools Tip: You can use left and right keyboard keys to browse between chapters.

You'll Also Like