Love Me, My Prince

Chapter 78 - Pay the Bill (2)

Nagulat si Zico sa mga pahayag ng dalawang babae na gusto ng mga ito na paalisin si Prin. 

"Miss, she doesn't need to pay" sagot ni Zico.

"No! she has to pay my dress and our bill!!! Kung hindi siya magbabayad, tumawag kayo ng pulis dahil wala siyang perang pambayad dito sa Bar niyo!" Galit na sabi ni Janice.

Magsasalita pa sana si Zico, pero pinigilan ni Prin.

"Paano na iyan? Wala talaga akong pera. I don't have any cash or credit cards in me. I remember na nagpupunta lang ako dito. Then, wala pa akong nabayaran ni piso sa mga nainom ko na wine or champagne." Napapaisip si Prin. 

"See? Siya na mismo ang umamin na tinatakbuhan niya ang bill niya dito, Mr. Manager." Isang simpleng babae lang kasi talaga ang tingin ni Janice kay Prin. Karamihan ng nagpupunta sa lugar na iyon ay may sinasabi sa buhay.

Napatulala si Zico at hindi alam ang sasabihin. Kailangan ba na magbayad si Prin sa mga iniinom nito kung anak ito ng Boss nila na may-ari?

Nakagawa na sila ng atensyon sa ibang mga parokyano.

"Pay the Bill ang get out of here!!! Siguro, you are trying to seduce someone, yung mayaman at mapera kaya ka nandito. You are s.l.u.t!" punong-puno ng pangmamaliit ang tono ni Janice.

Nag-iinit na ang ulo ni Zico dahil sa pahayag ng babae.

"Miss, I think you should go." mahinahon na sabi ni Zico. 

Iritable na siya sa dalawang babae. Bukod sa umaagaw na sila ng atensyon sa ibang parokyano, sinisigawan pa ng mga ito si Prin. 

Kapag nalaman ni Rob ang ginawa ng mga ito, siguradong pati siya ay mapaparusahan. 

Akala naman ni Luna at Janice ay si Prin ang tinutukoy nito kaya natuwa ang dalawang dalaga. 

Wala namang makita na emosyon sa mukha ni Prin at tamang naghihintay lang na umalis ang dalawa. 

"Narinig mo iyon? Get out of this place at huwag ka nang babalik pa!" sabi muli ni Janice. 

"I'm not talking about her. I am talking about you two!" inis na sabi ni Zico.

Nagulat ang dalawang babae. Never pa silang nakaranas na paalisin ng kahit sa anong Bar. 

"Gumagawa kayo ng eksena dito at nadadamay ang business namin kaya mabuti pa ay umalis na kayo." dagdag ni Zico. Tumawag na siya ng bouncer para paalisin ang dalawa.

"Bakit kami ang aalis? May pambayad kami! Siya itong walang pambayad!!!" galit ni Janice. Paanong nangyari na ang mukhang naliligaw lang sa lugar na iyon ang pinapaburan ng Manager.

"It doesn't matter if she doesn't have any pennies. Tulad nga ng sabi ng Miss, wala pa siyang nabayaran kahit piso." 

"See? See? Wala siyang pambayad! Kami ang meron!!! Bakit kami ang aalis?" si Luna. 

Nakakahiya sa mga customer lalo at may mga nagvi-video pa. Kapag pinaalis sila doon, wala na siyang mukha na maihaharap dahil bilang anak ng Mayor, sigurado na laman siya ng balita kapag pinaalis siya doon sa White Devil ng Manager nito. 

"it's because she owns the place, you idiots!" naiinis na si Zico. 

Nanlaki ang mata ng dalawang babae lalo na si Janice. Ang simpleng babae sa harapan niya ang may ari ng White Devil? Ilan ang White Devil na meron sa buong mundo at pag-aari nito ang lahat ng iyon? Napag-alaman niya noon pa man na hindi nagbebenta ang White Devil Bars kahit na shares lang nito, kaya lahat ng White Devil na meron sa buong mundo ay iisa lang ang nagmamay-ari at nagpapatakbo -- si Rob Matsui.

Masama ang tingin na pinukol niya kay Luna na halatang nagulat din. 

Hindi napakali si Luna lalo at mas masama ang tingin na ipinupukol sa kanilang dalawa ni Janice mula sa ibang mga umiinom sa lugar. 

"Gosh… I can't believe these two girls" 

"True, para na rin nilang pinapaalis sa loob ng bahay ang may-ari talaga ng bahay." 

"si Ateng girl, akala mo naman mahal talaga yung damit, mukhang imitation naman." 

"Looks like she is Mayor Villanueva's daughter." 

"Really? Masama pala ang ugali ng anak ni Mayor"

Nagtatawanan pa ang iba habang nakatingin kay Luna at Janice. 

"J-Janice…" nakaramdam ng panliliit si Luna mula sa ibang tao doon, lalo't puro socialites at celebrities ang umiinom sa lugar na iyon. 

Inis na lumakad papalabas si Janice. Mukhang banned na siya sa kahit saang White Devil Bar.

"Hey! You two!" tawag ni Prin. Napatigil ang dalawang babae at muli siyang nilingon. 

"Ehh.. Zico, nagbayad na ba iyang dalawa?" 

"Hindi pa Miss" 

Hinarap ni Prin ang magkaibigan. 

"O, hindi pa daw kayo nagbabayad. Wala rin ba kayong pera kaya aalis na lang kayo ng walang bayad? Zico, Exclusive member ba ang dalawang iyan para umalis na lang basta?" pang-iinis ni Prin. 

"No, Miss Prin" sagot ni Zico. 

Kapag exclusive member kasi sa White Devil . Monthly billing ang bayad sa Bar. Unlimited drinks and snacks kapalit ng sampung milyon na bayad kada buwan at kada member. 

Matalim ang tingin na ibinalik sa kanya ng dalawang babae. Kinuha ng mga ito ang mga wallet at naglabas ng lilibuhin. 

"Keep the change!" galit na sabi ni Janice at taas noo na lumabas ng lugar. 

Natatawa si Prin ng lihim. Hinarap niya ang ibang customers. 

"Sa ibang customers, pasensya na kayo sa istorbo. We will give two bottles of beer every customer ng libre bilang pasensya."

Natuwa at nag-palakpakan naman ang mga parokyano. Nakanood na sila ng magandang palabas, may libre pang alak. 

Tap the screen to use advanced tools Tip: You can use left and right keyboard keys to browse between chapters.

You'll Also Like