Love Me, My Prince

Chapter 73 - Popular Guy on day one

Matapos ang klase dumeretso si Prin, Kai at Bella sa isang Bubble Tea House na nasa tapat ng school.

"Naguguluhan ako. Bakit bigla mong naging boyfriend si MB5? I mean, si Kai?" Panimula ni Prin kay Bella habang inutusan niya si Kai na umorder ng Milk Tea.

Nakayuko si Bella at hindi maiangat ang ulo. "Yung ex-boyfriend ko kasi Prin. Ginugulo pa rin ako. sinabi ko na pinagpalit ko na siya sa iba. Naghanap ako ng picture sa internet at nagustuhan ko yung picture niya." Bulong nito sa kanya habang nakatingin kay Kai na naiinip sa pila.

Halatang iritable ang lalaki dahil ang babagal ng crew.

Makahulugan naman ang tingin ni Prin kay Bella. Nginisian niya si Bella. "Oh! So, nagustuhan mo?"

"Y-yung picture." Mariin na sabi nito.

"Yes. I am talking about the picture." Nakangisi si Prin.

Lumingon si Kai sa gawi nila na matalim ang tingin at agad na nagtakip si Bella ng mukha at halos magtago sa mesa.

Naaaliw si Prin. "Huwag kang matakot kay Kai. Ako na ang nagsasabi sa 'yo na bukod sa walang girlfriend iyan, lamang iyan ng sampung paligo sa ex mo"

"Kaya lang mukhang masungit!" Sagot ni Bella. Naniniwala siya na lamang na lamang ang lalaki sa ex niya. Kaya nga ito ang napili niya na maging 'boyfriend'

Napaisip si Prin. Noon niya lang napansin na masusungit ang mga kasama niya sa Dark Guards. Si Cally na nangunguna sa listahan ng masungit, si Lorenz ay masungit din. Si Kai ang pumapangatlo sa kasungitan.

"Alam mo Dear, naniniwala ka ba na si Master Cally ang pinaka -masungit? pero napa-amo ko siya..." Tinapik-tapik niya ito sa balikat. 

"...Kaya kapit lang, maiinlove din iyan sa iyo" 

"S-sinong mai-inlove?" Biglang namula ang pisngi nito.

Nakabalik na si Kai na may bitbit na tray. May laman itong tatlong baso ng milktea.  

"Mga order niyo mga prinsesa." Tila hindi interesadong sabi nito.

"You?!" Hinarap ni Kai si Bella.

"Anong palabas 'yung kanina?" Matigas na tanong ni Kai.

Napalunok si Bella. Hindi niya pwedeng i-delete ang picture dahil siguradong hahanapin iyon ng ex-boyfriend niya. Mas maganda pa nga na aktwal na nasa harap niya ang lalaki sa larawan para hindi isipin ng iba na gumagawa siya ng kwento. 

Bukod pa doon, napakilala niya na ang lalaki bilang boyfriend. Wala siyang choice kun'di pakiusapan ito na ipagpatuloy kung ano ang nasimulan niya.

Nagsinungaling man siya, okay na iyon kaysa naman bwisitin siya ng ex-boyfriend niya.

"M-magpasalamat ka nga na natipuhan kita bilang boyfriend ko." 

Nagtaas ang kilay ni Kai. "Ah! at kailangan magpasalamat ako?" 

Naputol sila sa usapan dahil may lumapit na dalawang babae dito na halatang sa parehas na school nila nag-aaral.

"Kyah! Pahingi naman ng number mo, o" sabi ng isang babae na halatang kinikilig.

Hindi ito pinansin ni Kai. 

"Kyah na pogi, sige na" sabi ng isa.

Pinukulan ni Kai ng nakakatakot na tingin ang dalawa kaya bigla itong napaatras at umalis na.

"Sungit pala" bubulong bulong na sabi habang palabas ng tea house.

Humarap sa kanya si Kai. 

"Alam mo Prin, what kind of school is this place? 'Yung mga babae, parang ngayon lang nakakita ng lalaki. Yung mga lalaki naman, bully." Tumingin ito kay Bella. 

"And don't forget that we have a liar here." Halata sa mukha nito ang disgusto. 

Iniisip ni Kai kung paano niya ma-eenjoy ang pagtigil niya sa Maynila kung unang araw pa lang ay gusto na niyang bumalik sa Camp.

Natawa si Prin sa aksyon ni Kai. Hindi pa rin nagbabago ang leader nila. Nasanay kasi ito sa Camp nila at walang ginawa ang lalaki kun'di mag-training ng mag-training. Hindi uso dito ang salitang girlfriend o babae lalo na pahinga.

Hindi ito nakaranas ng panliligaw. kahit pa maraming Dark Guards, lalo na mga baguhan ang may gusto kay Kai. Halong Taiwanese-Korean ang lahi nito at hindi rin basta-basta ang background ng lalaki. Hardwares ng computers at Cellphones ang business ng pamilya ni Kai na nakabase sa Hsinchu City sa Taiwan. 

Ang Lolo nito ang nagpumilit na ipasok si Kai sa trainees ng Dark Guards noon.

May lumapit na namang babae kay Kai. "F*ck off!!!!" Angil nito agad.

Natatawa si Prin. Bibihira kasi na makalabas ng Camp nila ang lalaki. Akala siguro nito ay puro trainees nito ang nasa paligid kaya ganoon na lang kung mag-sungit.

May lumapit muli na bagong pasok.

"Kuya, artista ka ba? Pa-picture po." sabi ng bagong pasok na babae na kanina ay napapansin niya lang sa tapat ng tindahan.

'Iba na gwapo!' Napapailing si Prin. Wala na silang maayos na kwentuhan dahil sa mga lumalapit kay Kai.

"Kung gusto mo magpa-picture, magpaalam ka sa girlfriend ko!" Singhal nito habang turo si Bella.

Tap the screen to use advanced tools Tip: You can use left and right keyboard keys to browse between chapters.

You'll Also Like