Love Me, My Prince

Chapter 70 - Remember this Girl

Kinuha ni Prin ang Cellphone niya at binasa ang forum sa school. Karamihan ay kung anu-anong mga panget ang sinasabi tungkol sa kanya. 

Hindi naman niya pinansin ang mga ito dahil naniniwala siya na lalabas din ang totoo. 

Sa halip nagsimula siyang magtipa sa keyboard. 

[PrinMatsui: Binali ko ang mga buto ng daliri niya sa kamay. So what?!] then, she posted it in her own profile. 

May mga nag-react kaagad at kung anu-ano muli ang reply sa kanya hindi pa man lumilipas ang dalawang minuto. Puro masasama ang mga sinasabi sa kanya at karamihan sa mga ito ay puro fans ni Sean. 

[Gosh! you are so bold! Get out in our school!] 

[Hindi na kami magtataka kung sa susunod ay estudyante na ang saktan mo] 

[He is one of the best teachers, samantalang ikaw? Hmp! Good luck!] 

Noon niya lang nakikilala ang tunay na mga ugali ng mga estudyante sa school, pati ang mga kaklase niya mismo ay nagagalit sa kanya nang hindi man lang inalam ang sinimulan ng pangyayari at katotohanan. 

'idiots!' 

Balewala naman kay Prin ang opinyon ng mga ito. 

"Mamaya ka na mangulit diyan sa cellphone mo. Kumain ka muna" sabi ni Cally na nasa tapat na mesa. 

Binaba niya ang cellphone sa gilid at sinimulan niyang kausapin si Cally dahil wala siyang gana. 

"Anong plano mong gawin kay Mr. Torres?" usisa niya kay Cally. 

"Nasabi na sa akin ni Xander na 15 students ang mga namolesya at napilit ng manyak na 'yon na makipagtalik sa kanya. Most of them are minors. Iba pa yung mga umayaw sa kanya. Sa ngayon, masarap siyang natutulog sa bahay." Tumalim na naman ang tingin nito ng mapag-usapan si Mr Torres.

"I am gathering evidence kaya may mga kasama kang iba pa na magrereklamo sa kanya. Hindi pa man nagsisimula ang Mr Torres na iyon na balikan ka, mauunahan mo na siya." sabi nito. 

Tumango si Prin. 

"Salamat kahit na naiinis ako. Dinamihan ko dapat yung binali ko sa mga daliri niya!" matigas na sabi niya. 

"Don't worry! Just sit and relax tonight. All you have to do is to be sure making me happy" 

Inirapan niya ito. 

"Tomorrow morning, sigurado na nakaganti ka na sa kanya." makahulugan na sabi nito. 

May pagtataka sa mukha ni Prin na tumingin kay Cally. "What did you do?" 

"We are using his wife. Binigyan ni Xander ng ebidensya si Mrs Torres."

Kumunot ang noo ni Prin. "I don't understand" 

Huminga ng malalim si Cally at napailing "Hindi na bago na hindi mo naiintindihan, mas magugulat ako kung bigla mong na-gets" 

Mabilis na binato ni Prin ng mansanas ang asawa niya. Sinalo naman ni Cally agad. "See? even my reflex is faster than yours." 

Inikutan niya na lang ito ng mata. Ilang saglit lang, lumapit sa kanya si Cally. 

"W-what is it?" tanong niya. 

"Just wanted to know kung saan ka hinawakan ng Mr Torres na iyon." 

Napayuko si Prin. Tama ba na tanungin ang bagay na iyon sa asawa na na-molestya? 

"S-sa Braso" 

Halata na hindi nito nagustuhan kahit pa sa braso lang siya nahawakan ng Prof na iyon. "where else?" 

"Wala na…" 

"Halika. Baka nag-iwan ng bacteria ang kamay noon at magka-galis ka pa" inakay siya nito at dinala sa sofa sa sala. Kumuha si Cally ng alcohol. 

Just what the heck is happening? Sa isip ni Prin. 

Wala siyang nagawa kun'di panoorin ito na pinaliliguan ang braso niya ng alcohol. 

=====

Kinabukasan, naging laman ng balita si Mr. Torres. 

Nakatali ito sa puno, nakabusal ang brief nito sa bibig, nakahubad at tanging placard lang ang nagtatakip sa maselan na pagkalalaki nito 'Huwag niyo po akong tularan. Manyak po ako' 

Tanging ungol lang ang maririnig sa Professor. 

May bahid ng dugo ang binti nito na nagmumula sa pinaka-maselan na parte ng katawan. Nireport ng mga mamamayan sa lugar si Mr Torres sa mga pulis. 

Dinala ito sa ospital at nakita na pinutol nga ang 'pag-aari' nito. Naging katatawanan siya kahit sa loob ng ospital. 

Sa sobrang kahihiyan ni Mr. Torres wala na itong maipakitang mukha sa kahit na kanino. 

Makalipas ang isang araw, isang bisita ang hindi niya inaasahan. Si Cally, kasama si Xander na nasa likuran. Hindi nito kilala si Cally o kahit namumukhaan. 

Matalim ang tingin ni Cally sa lalaki.

Unang binagsak ni Cally ang larawan ni Prin sa harapan nito. May pagtataka sa mukha ni Mr. Torres. 

"Gusto kong tandaan mo ang mukha ng babaeng iyan. Dahil sigurado na masasabi mo sa sarili mo na nagkamali ka ng huling nabiktima." 

Dumaloy ang kilabot sa ugat ni Mr Torres sa paraan ng pagsasalita ni Cally. Lalo at dinurog ng babaeng ito ang dalawang daliri niya. 

"S-sino ka?" halata na kinakabahan ito. Sa awra ni Cally, may ideya si Mr Torres na hindi isang simple ang lalaki. 

"You don't deserve to know. You have plans to sue her right." umismid lang si Cally at sumenyas kay Xander. 

Inilapag ni Xander isa-isa ang mga larawan sa harapan ni Mr. Torres at habang tumatagal ay mas dumodoble ang takot nito. 

Student A, 16 yrs old

Student B, 17 yrs old

Student C, 16 yrs old

Hangang sa mapakita sa lalaki ang lahat ng larawan. 

May mga takip ang mata ng mga kababaihan. Gayunpaman, kilala ni Mr Torres ang lahat ng mga larawan doon na mga na-molestya niya.

Tap the screen to use advanced tools Tip: You can use left and right keyboard keys to browse between chapters.

You'll Also Like