Love Me, My Prince

Chapter 40 - He is angry

[Feibulous: this chapter includes some inappropriate content ; Karahasan]

Inisip ni Prin kung may kilala ba siyang Marvin. 

Napansin ng isa sa apat na kidnappers na lumalim ang iniisip ni Prin. Malapit ito sa pwesto niya kaya naglabas ito ng maliit na patalim mula sa tagong bulsa at sinugod siya nito --ang lalaking naka-asul.

Bago pa ito makalapit kay Prin, tinalon at sinakmal na ito ni Bantay sa balikat.

Nabigla pati ang tatlong kasama nito. 

"Ahhhh!!!" takot na hiyaw ng tatlo pa nitong kasama. Lalo na nang kusang malaglag ang katawan ng naka-asul sa harapan nila. 

Napalunok sila sa nasaksihan. 

Kita nila ang natapyas na laman, kaunting tela mula sa asul na T-shirt at ang kakaunting buto ng lalaking naka-asul. Kumalat sa pulang carpet ang dugo nito. Nanghihina ang taong iyon at anumang oras ay mawawalan na rin ng buhay.

Niluwa ni Bantay ang laman nito na naiwan sa bibig. Halatang hindi rin nito nagustuhan ang laman mula sa lalaki. Umangil ito at mas matalim ang tingin na ibinigay sa tatlo pa. 

Kasabay ni Bantay ang paghila ni Cally kay Prin. Dumeretso ito sa mga bisig niya.  May mga kakaunting talsik ng dugo mula sa lalaking naka-asul sa braso, binti at blusa ni Prin. 

Nagsimula ang leopard na ikutan ang tatlong kidnappers na natira at anumang oras ay mananakmal ito kung kikilos sila ng hindi kaaya-aya sa paningin ng mabangis na hayop.

"M-ma-master, nakikiusap po kami na patayin niyo na lang po kami." naiiyak na sabi ng matabang lalaki. Mas gugustuhin na nilang mamatay sa mga oras na iyon kaysa manatili na buhay at mabaliw sa mga nagaganap. 

Kasalanan ito ni Marvin. Masyado silang naniwala sa lalaki. Ngayon na kaharap nila muli ang dalawa na nakita nila pati ang mabangis na hayop, gusto nilang magsisi.

Halata na bumabalot ang takot sa kanila.  

"Akala ko pa naman, matatapang kayo. Dahil hindi kayo tumupad sa usapan na susuko kayo sa kapulisan at ginawa niyo pang muli ang pagdukot naman sa asawa ko. Pagbibigyan ko ang gusto niyo." 

May kasabihan nga na 'once is enough, two is two much. The third is unacceptable.'

Sinenyasan lang ni Cally si Zuki na nasa gilid. Kinuha nito ang katana na nakadisplay sa pader. 

Galit si Cally. Kung hindi naunahan ni Bantay ang lalaking iyon, hindi niya alam kung ano ang nangyari kay Prin. 

Binuhat naman ni Cally si Prin at lumabas na sa kwartong iyon. Narinig na lang nila ang hiyaw ng tatlo pa habang papalayo hanggang sa tila tumahimik sa kwarto na pinanggalingan. 

Bumalot ang malansang amoy ng dugo sa paligid ng villa. 

Nakatitig lang si Prin sa galit na mukha ni Cally. Wala itong pakialam kahit humalo dito ang damit niyang namantsahan ng dugo. 

Sa lapit ng pisngi ni Cally, gusto niya itong halikan para mawala na ang kung anuman na galit ang nararamdaman nito. 

Tumitibok ng sobra ang puso ni Prin at parang slow motion ang paglakad nito habang bitbit siya. 

Dinala ni Cally si Prin sa kwarto niya noong dalaga pa siya at sinuri siya nito. Halata ni Prin na galit pa rin ang asawa niya. 

"Do you have a towel?" tanong ni Cally sa kanya. 

Tinuro ni Prin ang drawers ng mga towel at bimpo. Lumapit si Cally sa cabinet, drawers ng u.n.d.e.r.w.e.a.r ang bumungad dito. 

"is this a towel?" tanong ni Cally habang hawak ang nakatupi na pink na panty niya. 

"Hey!" Tumayo si Prin at hinablot iyon. Namumula ang pisngi niya sa hiya. 

Kumuha siya ng bimpo sa sunod na drawer at inabot dito. 

Binasa ni Cally ang bimpo sa restroom na nasa loob din ng kwarto. 

Umupo naman si Prin sa gilid ng kama ng seryoso. Hindi niya mabasa ang mood ni Cally. 

Lumuhod ito sa harap niya at pinunasan ng tahimik ang pisngi niya na may talsik ng dugo pati braso. Maingat ang pagpunas nito pero salubong ang kilay na halatang hindi nito nagugustuhan ang nangyari sa kanya. 

"Bakit galit ka? Galit ka ba sa akin?" nakayukong tanong ni Prin.

Parang nahimasmasan naman si Cally sa tanong niya. 

"*sigh* I'm sorry… I just hate it! May galos ka na sa kamay at sa braso. Hindi ako galit sa iyo. Nagagalit ako sa sarili ko dahil iniwan kita sa coffee shop. If I was there hindi ka nagalusan."  paliwanag ni Cally. 

Ang dahilan kung bakit ito galit ay dahil sa kakaunting galos niya? Hindi alam ni Prin kung ano ang magiging reaksyon niya. 

"Husbie, I'm a Dark guard. Kaunting galos lang ito. This is nothing compared to our trainings, remember?" 

Natulala si Cally sa sagot ni Prin. He almost forgot that Prin is a Dark Guard. She knows how to fight. He doesn't know why he acted that way either. Pero hindi niya talaga naiwasan na magalit kahit ang makita ang pamumula ng kamao nito. 

Sunod na pinunasan ni Cally ang binti niya na may mga bahid ng dugo. 

Napalunok si Prin habang hawak ni Cally ang binti niya.

"Ma-magsh-shower na lang ako…" Mahinang sabi niya. 

"Oh! Do you want me to help you?" 

Alam ni Prin na tinutudyo na naman siya nito na ibig sabihin ay nakabalik na ito sa normal nitong mood.

"Help my ass!" 

Tap the screen to use advanced tools Tip: You can use left and right keyboard keys to browse between chapters.

You'll Also Like