Love Me, My Prince

Chapter 32 - The twins got kidnapped (3)

Dala ni Prin ang pulang Mazda MX-5 na binigay ni Cally. Dahil iyon ang unang regalo ng asawa niya, wala siyang plano kahit magasgasan lang ang kotse na iyon. 

Plano sana niya na huwag na magpalit ng pantalon, pero pinilit siya ni Cally na palitan ang suot niyang palda. 

Alam din kasi nito na kailangan niyang kumilos. 

Pinag-aralan niya ang paligid. Naabandonang warehouse iyon na gawaan ng pipes, kaya maraming kahoy at pipe ang nakakalat sa paligid. 

May mga crate pa na gawa sa plastik, ang iba ay sa kahoy sa mga gilid-gilid ng gusali. 

"Boss, ang ganda ng chicks! Jackpot ka kay baby girl." sabi ng nanlilimahid na tauhan nito. 

Naghintay lang si Prin sa unahan ng Kotse. Sa tapat niya ay may pipe na gawa sa bakal. Maliit lamang iyon, sakto lamang sa labasan ng tubig at ga-braso ang haba. Sakto lang din iyon para suportahan ang sarili niya. 

Lumapit ang boss ng mga ito sa kanya. Mas nagandahan ito sa kanya sa malapitan. 

"Hindi ikaw ang anak ni Mr. Han." puna ng Boss kay Prin. 

"I'm the daughter-in-law. Sinabi mo lang na anak na babae. I am considered as a daughter." 

Ngumisi ito. "Nasaan ang pera?" 

Umikot si Prin at kinuha muna ang isang sports bag na may lamang pera. Inihagis sa harapan ng lalaki. 

"50 milyon iyan, narito sa likod ng kotse ang isa pang bag na may laman na 50 milyon din. I want to see the twins." sabi ni Prin. 

Ngumisi lang ang lalaki. "Papatayin ko rin naman kayong tatlo, bakit kailangan mo pa silang makita? Pero sige…" pumalakpak ang boss ng tatlong beses at iniharap sa kanya ang kambal. 

Hawak ng dalawang tao nito ang tig-isa sa magkapatid. "Ouch!!! Get your filthy hands off me!" sigaw ni Crayola. 

Kinagat muli ito ni Crayola sa kamay. 

Nakakita ng tyansa si Prin kaya sinipa niya ang pipe na gawa sa bakal, agad na hinawakan iyon, pinalo ang ulo ng Boss ng mga ito at saka sinipa ang lalaki. Tumilapon ang Boss sa pinagsama-samang crate sa gilid. 

"Auggghhh!!!" ungol nito habang hawak ang sumakit na panga. Masakit din ang likuran ng lalaki kaya hindi ito makatayo. 

Tinutukan si Prin ng baril ng may hawak kay Crayon. "Huwag kang lalapit!" sigaw nito saka ginalaw ng daliri ang gatilyo ng hawak na baril.

Pumutok ang baril nito pero sinalag lang ni Prin ang bala ng hawak niyang pipe. Dumeretso ang bala nito sa braso ng kasama -- ang may hawak kay Crayola. 

"Ahhhh!!" sigaw nito. Agad na dumaloy ang dugo sa braso nito. Nabitawan nito si Crayola. 

Agad na tinungo ni Prin ang lalaking may hawak kay Crayon at ubod ng lakas na pinalo ang braso nito. 

"Crayon! Get in the car!" sigaw ni Prin. 

Kinuha nito ang kamay ni Crayola saka tumakbo sa kotseng pula. Agad silang nagtago sa passengers seat. 

"Close your eyes!" sigaw niya sa dalawa. 

"Mga gag* kayo, babae lang iyan! Double time!" sigaw ng Boss habang hindi pa rin makatayo sa sakit ng likuran at panga. Pakiramdam nito ay natanggal ang dalawang ngipin nito sa gilid. 

Lumabas ang apat pang lalaki mula sa loob ng gusali. Pero nagulat sila ng tumalon mula sa ikalawang palapag si Cally sa likuran ng mga ito at agad na sinipa ang isa sa pwesto ni Prin. Isang pipe na bakal ang sumalubong dito, saka sinipa ni Prin sa pwesto ng Boss. 

Nagsipaglingunan ang tatlo pang lalaki kay Cally. Pinaputukan ng isa si Cally na nailagan ng lalaki. 

"Tsk tsk! Missed!" kinuha ni Cally ang kamay nito na may baril saka inipit iyon habang sinipa ang isa pang lalaki patungo muli kay Prin. 

Binali ni Cally ang mga daliri ng lalaking huling nagpaputok "Aughhhh!!" saka niya ito sinuntok sa mukha. Sinipa patungo rin sa direksyon ng Boss. 

Sa bilis ng kilos nilang dalawa, nanlaki na lang ang mga mata ng Boss. 

Ang isang lalaki na natitira ay nabitawan na lang ang hawak nitong patalim. "Ha-halimaw!" sabi nito na nanginginig sa takot. 

Halos hindi kasi niya nakita ang mga pangyayari sa loob ng bente segundos at siya na lamang ang hindi nasaktan sa mga kasama. 

"Salamat sa papuri!" sabi ni Cally saka ito sinipa na parang bola patungo sa boss nito. Nagsama-sama ang pitong lalaki sa iisang lugar. 

"Boss! Gumawa ka ng paraan!" sabi ng kalbo. 

Kinuha nito ang baril saka ang bomba sa likuran ng bulsa. 

"Siguradong mamatay na kayo dito!" galit na sabi nito saka tinangal ang pin ng bomba. 

"Sa trenta segundos sasabog ito at bago mangyari iyon, ihahagis ko ito sa inyo!" 

Pinaputukan sila nito. Tinalon lang ni Prin ang lalaki mula sa pwesto niya, nataranta ang boss at agad siyang sinunggaban ng suntok pero tinuhod ito ni Prin at pinigilan ang leeg nito gamit lang ang paa niya para maipit ito sa pader. 

"*cough* *cough*" halos masuka ang leader dahil hindi ito makahinga sa pagpigil ng paa ni Prin sa leeg ng Boss. 

Nabitawan nito ang baril. Kukunin sana ng isa sa anim na lalaki ang nahulog na baril dahil malapit lang ang mga ito sa pwesto pero tinuhod na ito ni Cally. 

Her eyes are burning with hatred dahil nakita niya ang pasa sa pisngi ni Crayola. 

Kinuha niya ang bomba na tinutukoy nito na na nanatili na hawak ng Boss. 

Mas malaki lang ng kaunti sa bolitas at may ilaw na pula tanda ng pagbilang nito sa trenta segundo. 

"This one?" tanong ni Prin. Niluwagan niya ang paa na pumipigil sa leeg nito. 

Dahil inuubo ang lalaki gawa ng paghugot sa hangin, mabilis na pinasok ni Prin ang maliit na bomba na iyon sa bibig ng Boss na nalunok naman nito. 

"oops! Sorry! Bakit mo nilunok?" saka niya tinanggal ang paa niya sa pagkaka-sakal dito. 

Nanlaki ang mata ng Boss lalo na ang mga kasama nito. Pinilit ng anim na lalaki na makalayo sa Boss nila dahil anumang oras ay sasabog ang katawan nito. 

Pinilit naman ng Boss na isuka ang bomba. 

Sakto ang dating ng malaking van na minamaneho ni Anthony. Nilagyan lang ni Cally ng posas ang anim na lalaki. 

"Dadalhin ko na ang mga bata." sabi ni Prin, hinagis niya ang bag na may lamang pera pabalik sa loob ng sasakyan. Nakita niya ang dalawa na magkayakap at nakapikit. 

Tinalon ni Prin ang driver seat at pinaandar iyon para makalayo na sa lugar. Kailangan niyang ilayo ang dalawang bata para mabawasan ang takot ng mga ito. 

Tap the screen to use advanced tools Tip: You can use left and right keyboard keys to browse between chapters.

You'll Also Like