Love Me, My Prince

Chapter 11 - Who are you, really?

Nakapangalumbaba lang si Prin habang nakatingin kay Cally. Para siyang nagd-daydream. 

Nagsasanay kasi ito ng brazilian-jiu jitsu kalaban si Kai. Pinagmamasdan niya ang galaw nito. 'Cally, who are you, really?' 

Nawalan si Cally ng balanse at nagwagi si Kai pero agad din itong nakabawi para patirin ang binti ng isa. 

"Haaay…" napabuntong-hininga na lang siya habang nakatingin dito. Naramdaman na lang niya na may tumabi sa kanya. 

"Para saan ang buntong-hininga mo at sino ang tinitingnan mo?" Si Ana ang isa pang Blade member. Hinanap nito kung saan ang tingin niya base sa pwesto niya.

Siniko siya nito. "Wow! You liked Cally?"

Napaatras siya. "Of-Of course not!" mariing tanggi niya.

Nakangisi ito. Nilapit nito ang mukha sa kanya para mas malapit na makita nito ang namumula niyang pisngi. "Hmmm.. I can't blame you if you like him."

"Karamihan sa trainees ay gusto si Cally."  sabi nito. 

Napalunok si Prin at ibinalik ang tingin kay Cally na sabay din na napatingin sa pwesto niya. Nakaramdam siya ng kaba kaya agad siyang tumalikod. 

"Of course not! Baka ikaw diyan ang may gusto sa panget na iyon!" nagagalit na sabi niya dito saka tumakbo papunta sa Tirahan ng Matsui.

Nagpunta siya sa kwarto niya na sobra ang kaba, tulad na lang ng nararamdaman niya kapag nahuhuli siya na may ginawa siyang kalokohan.

Hinagis niya ang sariling katawan papahiga sa kama at tinitigan ang kisame. Parang nakikita niya pa sa imahinasyon si Cally. 

The way he looked at her kapag magkatabi sila. Kapag gumagamit ito sa computer room at seryoso na nakatingin sa monitor. Tumatama pa sa pisngi nito ang liwanag na nagmumula roon. Kapag seryoso ito na nag-eensayo, tulad na lang kanina. Napabalikwas ng bangon si Prin at hawak ang dibdib.

'Sh*t!' Nagugustuhan niya na nga ba ang binata? Tanong niya sa sarili. Bumalik muli siya sa higaan saka dumapa. 

Para siyang baliw na inuutog ang noo sa malambot na kama

"Joo, are you there?" katok ng isang maid sa labas ng pintuan ng kwarto niya. (Joo ang tawag sa kanya ng mga maid, bantay o ang mga nagtatrabaho doon na ibig sabihin ay babaeng anak ng Master of the house)

"Yes."

"Kotaigo is here." sagot nito sa labas. Nagising sa katotohanan si Prin. 

Nandiyan ang Mommy niya! 

'Shet! Mura niya sa isip. 

Hindi niya alam kung may ideya na ang Mommy niya sa training na ginagawa niya. Pero alam ni Prin na malalaman nito ang bagay na iyon sa araw ding iyon. 

Pinuntahan niya ito sa opisina ng Daddy niya na si Rob. Diretso lang siya na pumasok at naabutan pa ang mga ito na magkayakap at naghahalikan. Sabay na napalingon sa kanya ang dalawa nang marinig na bumukas ang pintuan. 

Pero hindi nagustuhan ng Mommy niya ang ayos niya. 

"Rob! Why is she wearing a trainee outfit?!" Lumayo agad ito sa Daddy niya na akala mo ay may kayakap na kaaway, lumapit sa kanya at saka siya niyakap. 

"Darling, minamaltrato ka ba ng daddy mo?" 

Rob "...."

"Mom, 'wag ka magalit kay Daddy. Ako talaga ang may gusto na mag-train ako." paliwanag niya dito. 

Tiningnan siya nito, sinuri ang katawan kung may galos ba o kung ayos lang siya. 

"Honey, huwag ka nang magalit... Si Prin talaga ang may nais na sumabak sa training at napatunayan naman niya na kaya niya ang training. Isa pa, si Cally ang nagbabantay sa kanya." paliwanag ni Rob

"Cally? Cally Han?" nanlalaki ang mata na tanong nito. 

Ganoon din naman si Prin. Nagulat siya, lalo na ang marinig ang apelyido ng binata. 

Nagkatinginan sila ng Mommy niya. Para namang nakakain ng kung ano ang nanay niya at agad na bumaliktad ang mood nito.

"I-is he uncle Cloud's son?" tanong niya sa magulang. Normal na kilala niya ito lalo at bestfriend ito ng Daddy niya. 

"Oh Yes! I knew him since he was a baby." sagot ng Mommy niya. 

"You are in safe hands darling! Galingan mo ang pag-akit sa kanya dahil ang gwapo ng batang iyon." tinapik-tapik pa siya ng ginang sa balikat. 

Prin "..." seriously, am I your daughter? 

Rob "..." are you even the mother of your fourteen years old daughter?

Pero lihim na nag-isip si Prin. Kung si Cally ay anak ni Cloud, ibig sabihin ay ito ang susunod na itatakda na maging Headmaster ng Dark Lords. 

Bilang Matsui, hindi lihim sa kanya ang mundo ng pamilya niya. Isa ang pamilya niya sa namumuno sa Dark Lords kaya marami siyang alam tungkol dito. 

'Cally Han…' 

Naiintindihan na ni Prin ang rason kung bakit parang prinsipe ang lalaki kung umasta at kumilos. 

=====

Inimbitahan ng Mommy niya si Cally na sumabay sa hapunan nilang mag-anak. Tahimik si Prin habang nasa tapat si Cally. 

Sa hindi niya malaman na dahilan, na-iilang siya dito. 

Nagpasalamat ang Mommy niya kay Cally. 

"Tatapusin ko lang po ang quarter o ang group battle, at didiretso na po ako sa UK. Pero huwag po kayong mag-alala dahil ibibilin ko si Prin sa iba naming kasama." sabi nito sa Mommy niya. 

Nakaramdam naman ng lungkot si Prin sa narinig. Bigla niyang inangat ang paningin dito. 

Hindi pa umaalis ang lalaki, nalungkot na siya at wala siyang magagawa dahil alam niyang mas mabigat ang haharapin nito sa mga darating na panahon. 

Tap the screen to use advanced tools Tip: You can use left and right keyboard keys to browse between chapters.

You'll Also Like